Chorus:
My baby oh..
Got me restless, yeah
What’s going on?
What’s going going on and on on
Gotta gotta let it go
Verse 1:
Ako’y parang pulubi na sayo’y humihingi
Sa pansin mo at damdamin
Ako’y naging alipin Pero buti na lang at ako ay nagising
Sa kahibangang ito naging bulag, naging duling
Salita ka ng salita, wala ka namang sinasabi
Sige bilangin mo ang naloko mong babae
Isa, dalawa, tatlo, apat, sabay-sabay sila
Kawawa ka naman di pa natuto sa isa
Ang bango ng ‘yong dating,
Swabe kung lasing
Utak mo naman tsong laman puro pating
Mahinhin man ang turing mo sa akin ginoo,
Huwag kang pakasiguro
Baka ikaw ay madapa, mauntog sa bato
At huwag mong akalain na ako ay isang boba
Na nahulog sa iyo na parang isang loka
Aba’y pwede bang huwag ka ng magyabang
At wala ka namang binatbat
Chorus
Isa, dalawa, tatlo, apat
Hindi pa ba sapat? 3x
Ako’y hindi bangus na sa uod kakagat
Ito’y aking mensahe sa kapwa ko babae
Heto na oh Mare makinig ka ng mabuti
Tayo’y hindi Imelda na sa pera mahalina
Puso natin ay tuon sa ating pamilya
Iwasan muna natin ang pagkaMaria Clara
Huwag maging mongha
Tayo’y walang mapapala
Tayo’y ‘di rin anak ni Donya Victorina
Ni guhit nga ni Gloria sa dugo’y di mo makita
Likas sa ating balat ang pagiging matatapang
Taas noo sa mundo kahit na nakagapang
Laman ng ating puso ay busilak at di swapang
Tayo ang makabagong Gabriela Silang
Pilipinang guerrillang matigas ang kalooban
Ipakita mo Oh Mare at iyong tandaan na
(Ikaw ay siyang pinili, Kulay mo’y kayumanggi) 2x
Isa, dalawa, tatlo, apat
Hindi pa ba sapat? 3x
Tayo’y hindi bangus na sa uod kakagat
Chorus
Ang tunay na Pinay mga astig at matitibay 2x
Bituing mapagmahal na may puso at dangal
Huwag kang mag-aksaya sa lalaking mga kupal
Isa, dalawa, tatlo, apat
Hindi pa ba sapat? 3x
Isa, dalawa, tatlo apat
Ika’y karapat-dapat
credits
released March 8, 2019
Written and Performed by: H.Pableo & A. Punzalan
Produced by: A. Punzalan
Additional Musicians: R. Candido (Sarunay), K. Centeno (Agong)
Song Art: A. Aquino
Photography by: E. Ding
Make Up by: C. Torres
Rudy Boquila - for giving me the space to be myself
Toronto Arts Council for the funding support.
And most of all, thank you to my team for always being awesome. I dedicate this song to all my "koMARE". This is the second SINGLE of my upcoming album due in the FALL 2019.
Han Han is a Filipina-Canadian cardiac operating room nurse and artist who writes poetry and translates it to music. She is Visayan by heritage and a dragon in spirit.